Simple lang ang gusto ko sa buhay
Ang mapasaya ka sa araw - araw
Simple lang ang pangarap ko sa buhay
Yun ay ang makita ang iyong magandang ngiti.
Sa bawat araw na nagdaan
Ika'y aking nakikilala ng pakonti - konti
Ako'y nagpapasalamat sa maykapal
Sapagkat ika'y nakilala at nakakasama
Ako'y mananatili sa iyong tabi
Umaraw man o bumagyo
Ako'y iyong maaasahan sa bawat oras
Tawag ka lang, dahil ako'y lilipad papunta sayo.
No comments:
Post a Comment