Sa pagdaan ng mga araw
Mga tanong sa isipan'y unting unting nabibigyan ng linaw
Hapdi sa puso ay tuluyan nang nawala
At hindi namamalayang ang sakit ay napapalitan na ng tuwa
Sinong magaakala na kaya ko pala
Kaya ko palang muli ay maging masaya
Kaya ko palang lagpasan lahat ng pagsubok
At pagtibayin ang pusong marupok
Naramdaman ko kung paano mabuhay muli
Naibalik ang sariling minsa'y naikubli
Kinailangan ko ng kapayapaan
at iyon ay akin namang natagpuan
Handa na ulit humarap sa hamon mundo
Ng mas malakas at bagong-bagong ako
Pinatatag ako ng sugat ng nakaraan
At pinatayo ako ng pag-asang lahat ay aking makakayanan