kung alam mo lang ang sakit na nararamdam
sa mga araw na ika'y hindi nakakausap
kung alam mo lang sana ang hapdi na pilit iniiwasan
sa tuwing ika'y naalala
ayaw ko man aminin sa sarili ko
pero talagang mahal kita at ayaw kitang mawala
ngunit kailangan ko na bang bumitaw
upang maramdaman mo lahat ng mga hirap na nararanasan ko...?
masakit man isipin pero dapat na ba...?
isang salita mo lang gagawin ko kahit mahirap at ayaw ko.
ngunit hanggang kailan dapat magtiis at maghirap ng sobra
kung ikaw mismo hindi sigurado sa nararamdaman mo at naguguluhan...?
malalaman mo pa ba tunay kong nararamdaman para sa'yo
kung ikaw mismo pilit na iniiwasan ang lahat ng ito...?
malalaman mo pa ba kaya na ang bawat luha at ngiti na aking nararamdaman
ang dahilan ng lahat ng iyon ay ikaw...?
kaya kong tanggapin ang lahat
at kakayanin kong tanggapin ang lahat kung para lang sa'yo
ngunit sana iyong malaman na may isang bagay na mahirap at hindi ganun kadaling tanggapin...
at yun ay iwan mo ko...
No comments:
Post a Comment