welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Sunday, April 15, 2012

sana lang....

alam kong wala akong kayang ipagmalaki
dahil isang hamak na tambay lang ako
alam kong wala akong kayang ipagmayabang
sapagkat ako'y simpleng tao lamang

alam kong hindi sapat ang aking mga salita
upang patunayan sa'yo na tunay ang aking nararamdaman
ngunit sana'y iyong bigyang pansin ang puso kong ang tanging pangalan mo lang ang isinisigaw

hindi ko man maparamdam sa'yo ang aking saya
nung araw na tuluyan kang naging akin
hindi ko man laging binibigkas ang salitang mahal na mahal kita
ngunit sana'y iyong maramadam na ang bawat pintig ng puso para sa'yo ay totoo


No comments:

Post a Comment