Ngayon ko lang napagtanto
Na napakahirap mo palang iwasan,
Sinubukan na ang lahat ng paraan
Ngunit sadyang napakahirap lang gawin
Alam ko ang lugar ko sa buhay mo
At alam ko din ang mga limitasyon
Kung kaya't ako ay nananahimik na lamang
Sapaka't yun ang tama at nararapat
Hindi lingid sa iyong kaalaman
Ang lihim kong pagtingin
At hindi rin lingid sa iyong kaalaman
Na ika'y pinapangarap at minsan ng pinagarap
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana
Dahil hanggang pangarap na lang talaga kita
Wala na akong ibang hihilingin pa sa buhay
Dahil maging kaibigan mo lang ako ay sapat na
Kung kaya't ako ay tatahimik na lang
Lulugar kung saan dapat lumugar
Iiwasan ang dapat iwasan, tatalikuran ang dapat
Ngunit ito'y iyong tandaan, ano mang ang mangyari
ako ay magiging kaibigan mo panghabang buhay...
No comments:
Post a Comment