welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Tuesday, March 1, 2022

Ako naman

 Sa aking laging pagiisa sa nagdaang araw

Sa lugar kung saan ako'y naroroon

Laging tanong sa sarili

Malapit na ba? Hanggang kailan pa kaya?

Hanggang kailan kaya mararamdaman ang kapayapaan sa puso't isipan?

Hanggang kailan ko kaya mararamdaman ang ganitong katahimikan 

Sa mundo na minsang puno ng gulo at pighati.


Kapayapaan na matagal ko ng inaasam

Sa mga nagdaang araw aking unti unting natagpuan

Ngunit hanggang kailan kaya ang ganitong pakiramdam

Ito ba ay pangmatagalan na o pansamantala lamang

Ngunit kahit ano pa man ang kinahahantungan nito

Handa kong harapin para na din sa sariling kapakanan....

No comments:

Post a Comment