Sa bawat pagbuhos ng ulan
Alalala ng kahapon pilit kinakalimutan
Sa paghihinagpis na dulot ng bawat patak
Nawa'y sana'y hanggang doon na lamang
Kung sakali man na tumila ang ulan
At ang paghihinagpis ay nariyan pa din
Ako'y dadalangin na sana'y ito'y tumigil na din
At tangayin ang bawat kalungkutan na nararamdaman
Dumating man ang bukas at patuloy pa din ang ulan
Hahayaan ang bawat patak na dumaloy sa katawan
Upang hindi makita ang matang lumuluha
At kapag ito'y tumila panalangin ay dinggin na ang luha ay tumigil na din...
No comments:
Post a Comment