Kung hahawakan ko ba ang kamay mo
hahawakan mo ba akong pabalik o bibitiw ka?
Kapag ba niyakap kita, yayakap ka bang pabalik o iiwas ka?
Kapag ba tinitigan kita, titingin ka bang pabalik o babaliwalain mo lang?
Kapag ba tinawag kita, lilingon ka ba at lalapit o lalakad kang papalayo
hanggang sa hindi na kita makita?
kung sakali bang, ako'y biglang mawala hahanapin mo ba ako o hindi?
kung sasabihin ko bang "mahal na yata kita...' sasagot ka ba o tatahimik lang...?
sa dinami dami ng mga tanong na bumabagabag sa akin...
ni isa wala akong lakas na itanong sa iyo,
sapagkat alam ko na ang iyong isasagot
kaya mananahimik na lang, itatago ang sakit...
ngingiti kahit nahihirapan
makita lang ang saya sa iyong mga mata
ako'y panatag na,
No comments:
Post a Comment