minsan mapaglaro ang tadhana
magpapakilala ng taong magpapasaya sayo
pero hindi naman pwdeng maging kayo
para bang idadaan lang sayo
minsan maiinis ng bongga
pero ganyan talaga ang buhay
may mga bagay na sadyang hindi mapapasayo
sadyang lilipas lang...
ngunit sa bawat paglaro ni tadhana
may mga pusong sumasaya
pero may mga puso din na nababasag
dahil ganyan ang takbo ng buhay.
lilipas at lilipas ang lahat
at siguro dahil sa pakikipaglaro ni tadhana
mahanap din natin sa ating mga sarili
ang mga taong sadyang para sa atin.
No comments:
Post a Comment