welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Monday, April 16, 2018

Kung sakali

Kung sakali man ika'y mawala
Asahan mo ika'y hahanapin ko...
Kahit ayaw mong magpahanap, guguluhin ang mundo makita ka lamang... 

Kung ang paghahanap ng iyong sarili ang nais mong makamtan, ika'y aking sasamahan hanggang sa dulo ng walang hanggan, hindi hahayaan na ika'y maghanap magisa.. sapagkat sarili ko nahanap ko sa'yo

At kung sakaling ika'y magpaalam
Ika'y aking hahayaan
Ngunit pakatatandaan mo
Na hahanapin pa din kita makalipas ng tatlong araw... 

At kung sakali man na mahanap mo na at mabuo mo ang iyong sarili
Pakiusap lamang, na ako naman ang iyong hanapin...

Dahil baka di makaya kapag ika'y tuluyang mawala.

No comments:

Post a Comment