Una kitang natagpuan
Sa hindi inaasahang pagkakataon
Gumagaan ang loob sa tuwing ika'y nakakausap
Pinipigilan ang hindi dapat maramdaman
Dahil sa ito'y hindi tama
Ako'y kasalukuyan naghihilom sa pait ng nakaraan
At ang iyong pagdating ay hindi inaasahan
Kung kaya't hanggang makakaya
Ika'y manatili upang mga ngiti sa aking labi ay hindi mawala
Hindi ko man maipapangako
Na ako'y hindi tuluyang mahulog sa iyo
Pero gagawin ang lahat
Upang ang pagkakaibigan ay mapanatili.
No comments:
Post a Comment