welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Wednesday, November 2, 2022

Untitled

 Hahanap hanapin pa din kita

Kahit gaano man katagal ang aking paghihintay

Sa paglipas ng buwan

Alam ko ang paghati sa puso ko ay hindi basta mawawala

Alam ko ang iyong sarili ang iyong hinahanap sa mga oras na ito

Ngunit sana hayaan mo na hanapin muli kita

Nananalangin na sana ika'y ay tuluyang humilom 

At ako'y wag pagtabuyan sa tulong na aking inaalay

Sapagkat ang gusto ko lamang

Ika'y makita kong masaya at ngiti sa iyong mga labi ay hindi mawawala

Nais kong iparamdam sa iyo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko

Nais kong iparating sa iyo na ang puso ko ay sayong sayo pa din

Kakalimutan lahat ng sakit at hapdi na dinanas

Kakalimutan ang lahat ng sakit na naramdaman

Basta ika'y bumalik lamang

Sapagkat ikaw lang ang makakapaghilom sa puso kong durog na durog

Alam kong ayaw mong magpahanap

Dahil gusto mong hanapin ang iyong sarili

Ngunit sana hayaan mo kong hanapin kang muli

Dahil ang puso ko ay sayo pa din nananabik

Dahil ang puso ko sayo at sayo pa din babalik

At kung sakaling mahanap man kita sa paglipas ng mahabang panahon

Sana ang pagibig na inaalay ay tanggapin mo muli

Dahil ang pagibig at pagmamahal na sa iyo inaalay ng minsan 

Hindi na muling iibig pa sa iba kundi sayo lamang

No comments:

Post a Comment