Kahit ulit-ulitin
Hindi ako magsasawang sabihin
Pagdating mo’y ikinabigla
Pero ako’y sobrang natuwa
At sa unang pagkakataon
Pagdating mo ay nataon
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Tayo ay pinagtagpo pero itinadhana nga ba?
Sa aking pagninilay-nilay
Aking nararamdaman’y tunay
Kahit wala namang kasiguraduhan
Kung mayroon ba tong patutunguhan
Pero nais ko lang ipaalam
Sa pamamagitan ne’tong liham
Na ika’y hihintayin kahit gaano katagal
Dahil kung di rin lang ikaw, para saan pa ang salitang mahal.
No comments:
Post a Comment