Sa aking pagiisa
Sa kawalan nakapako ang mga mata
Tanong lagi sa isip ko
Kailan nga ba muling nakangiti ng ganito
Lumipas na nga ang panahon
Unti unti nang nagbago ang kahapon
Bigat ng pakiramda’y wala na ngayon
Hangad ko bukas ang tuluyang pag-ahon
Sa pagdaan ng mga araw
Inaasam na pag-asa’y akin nang natatanaw
Wala na ang lungkot at pangamba
Heto na nga, heto na ang panibagong umaga
No comments:
Post a Comment