welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Thursday, May 17, 2018

astro

sa bawat  paglubog ng araw
di maiwasang pigilan ang ngiti
sapagkat alam kong ika'y masisilayan
at makakasama kahit sa sandaling oras lamang

sa bawat oras na magkasama tayo
mundo ko'y biglang tumitigil
dahil sa mga titig mong nakakatunaw
at mga ngiti mong nagpapabuo nng araw coh

sa bawat hawak ng iyong kamay sa akin
alam kong ikaw ay hindi bibitaw
dahil mundo'y magugunaw
kapag ika'y nawala

sa bawat paglipas ng araw
bugso ng damdamin di na yata mapipigilan pa
hindi na inaalala ang sasabihin ng mundong mapanghusga
dahil tayo naman ang nakakaalam sa mundong ating ginagalawan

No comments:

Post a Comment