welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Thursday, May 17, 2018

buwan

sa ilalim ng buwan
tayo'y nakahiga habang ika'y nakayakap sa akin
hindi alintana ang mga taong nakakakita
dahil sa mundong tayo lang ang may alam

akala coh nung una
panaginip lang ang lahat
ngunit ako'y nagising sa katotohanan
na totoo pala ang lahat

totoo palang ika'y kasama
ika'y kapiling at ika'y andito sa aking tabi
yakap yakap ako habang pinapakinggan ang tibok ng puso coh
sa ilalim ng liwanag ng buwan

hindi coh man alam kung hanggang saan
hanggang saan ang kaligyahan na ito
pero saka coh na lang iispin yun
sapagkat sa piling mo ako'y masaya
sa mundo kong ayaw kang mawala

No comments:

Post a Comment