welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Tuesday, May 15, 2018

hanggang kailan

sa bawat paglipas ng araw
na  lagi tayong magkasama at magakausap
minsan naitanong coh kung hanggang kailan ito?
hanggang kailan ang kasiyahan na mararamdaman sa piling mo.

subalit kailangan coh pa bang isipin yun
kung ang kasalukutyan naman ang importante?
saka na lamang iisipin ang bukas
dahil pwedeng magbago ang lahat sa paglipas ng segundo.

ramdam coh ang tibok ng puso coh kapag kasama kita
mga ngiting di maalis alis sa aking mga labi
ang kilig na nararamdaman kapag hawak mo ang aking mga kamay

ngunit aking giliw
ako ay iyong patawarin
sapagkat kahit pigilan coh man ang nararamdaman ako'y lalong nahihirapan
iyong sanang maunawaan
na ang nararamdaman para sa iyo ay walang hinihingi na kapalit

dahil ang nais coh lamang malaman mo
na kaya kong tiisin ang lahat
kaya kong maghintay
tulad ng sabi ng kanta ni sitti " hayaan na lang lumipad ang puso mo para sa akin.."

No comments:

Post a Comment