welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Thursday, May 17, 2018

paghahanda

hindi coh napaghandaan ang iyong pagdating
sapagkat alam coh na wala ng dadating pa
ngunit ako'y binigla ni tadhana
ng ika'y makita at masilayan

akala coh hanggang panaginip lang ang lahat
ngunit lahat pala ng panaginip pwedeng magkatotoo
pero hanggang saan kaya ako
aabutin ng mga panaginip na ito?

mga yakap mo't halik ay laging naaalala
hindi alam kung tama pa ba ang pagkahumaling
dahil sa tabi mo'y ayaw ng lumisan
baka sa isang iglap ika'y biglang mawala

hindi alam kung hanggang saa at hanggang kailan
ngunit sana ay magtagal pa ng mahaba ang pagsasama
pero kung dumating man ang araw na ako'y iyong iwan
sana'y iyong sabihin agad
ng aking mapaghandaan ang iyong paglisan.

No comments:

Post a Comment