welcome to my page

feel free to read all my poems that i made from the past and the present...

note: just read but don't steal

Tuesday, May 15, 2018

kung ano pa man

 magulo man ang mundo at isip mo
asahan mong ako'y di lalayo
ngiti sa'iyong labi ay panatilihin
sapagkat ako'y nandirito palagi para sa iyo

mapanghusga man ang mga tao sa paligid
ngunit  ano bang kinalaman nila
kung tayong dalawa ang nasa mundong ating ginagalawan

kung ika'y iiwan coh ng dahil lang doon
tingin mo ba na gusto coh pang gumising sa umaga?
kung ika'y lalayuan coh, paano na ako? saan ako pupulutin?

hindi coh man lubusang malaman
kung anong mayroon sa iyo at ako'y nahumaling ng ganito
alam coh na alam mo ang aking hangad
ngunit sabi mo nga makuntento na lang sa kung anong mayroon tayo sa ngayon

mutual na pagkakaintindihan o malabong usapan man ang namamagitan sa atin
nais kong malaman mo...
na ako'y masaya pa din sapagkat
ngiti sa iyong labi at mata ay masisilayan ng matagal

hindi coh kailangan ng label upang sumaya sa piling mo
dahil ang tanging hangad coh lng ay ikaw at wala ng iba pa..
dahil ikaw.... ikaw lang... sapat na para sa akin.

No comments:

Post a Comment